Monday, July 21, 2025

 

Benigno V. Aldana National High School: Its Humble Beginnings

By: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

                                                                        

Before World War II broke out, the education of high school students from Pozorrubio took place in various places in Pangasinan, namely, Lingayen, Dagupan, Manaoag or even to nearby towns with established high schools. Some even went as far as Baguio just to continue their secondary education.

Immediately after the end of World War II, several influential leaders and concerned citizens had seen the urgency of establishing a secondary school in Pozorrubio in order to ease out the financial burden of many parents who were sending their children to various places. Led by the mission to establish a secondary school in this town were Don Domingo M. Magno, Don Florentino Magno and Don Claro C. Quinto who were former mayors of this town. They petitioned the officials of the Department of Education in Manila to put up a secondary school in Pozorrubio.

With the help of a fellow Pozorrubian, Dr. Daniel M. Salcedo, who was then the Director of Public Schools, he used his connections to help his townmates in their petition to the Department of Education.  Support from other sectors soon followed such as the members of Parent Teachers Association (PTA) led by Buenaventura and Andres Aldana, Francisco and Alejandro Aldana, Raymundo and Gerardo Buada, Juan Dimagan, Pedro Estaris, Higino Gomerz, Sr.,    Paulino de Vera, Deogracias Estrada, German Lagera, Orestes and Andres Olarte, Gerardo Nabor,Sr., Enrique Posadas, Jorge Robles, Sr, and Esteban Salcedo. Hon. Enrique Braganza, the governor of the province of Pangasinan that time, and Mayor Eligio V. Fernandez also gave their full support and contributed to the establishment of a secondary school in Pozorrubio.

Finally, the petition was approved by the Department of Education and the Pozorrubio Junior High School was established on July 15, 1946 just barely seven months after the end of World War II.

Coupled with the establishment of a new secondary school in the Municipality of Pozorrubio were the problems of having no school buildings and classrooms to accommodate the first batch of its enrollees. This first-ever student body composed of around 235 students had to suffer the birth pains of the newly established secondary school in town. They had to attend their classes in several sites in the town’s población. The first school rooms were offered in the residences of Don Andres Olarte and Jovellanos-Venezuela’s ancestral house located both in Sison Street, Don Gerardo Nabor, Sr. and Don Andres Aldana’s residences both located in Espiritu Street, and Itliong-Estaris’ residence located along Rizal Street. However, the Don Andres Olarte’s residence served as the main building.

In the middle of 1947, the school was finally moved to its present site in Bgry. Cablong, Pozorrubio, Pangasinan. With their ardent desire to help their townmates, Don & Doṅa. Orestes and Cion Olarte donated three-hectares (thirty-thousand square meters). Soon, another two hectares were purchased through the contribution and fundraisings initiated by the Parent Teachers Association (PTA). True to his promise to Don Domingo Magno, Senator Camilo Osias fulfilled his promise and used his pork barrel in the construction of the school’s first buildings. However, most buildings during that time were made of old cogon-talahib rooftops and sawali for their walls. Today, BVANHS has a total land of 73,856 square meters.

 

Benigno V. Aldana: The Man Behind the School’s Name

By: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Teacher II, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

                                                     

Dr. Benigno de Vera Aldana was the former Director of the Bureau of Public Schools.

He was the son of Dionisio Aldana and Magdalena de Vera. He finished his secondary education at Pangasinan High School, Lingayen, Pangasinan in 1916. After he graduated in high school, he enrolled at Philippine Normal School, now Philippine Normal University, where he graduated with honors in 1925. In his insatiable love of knowledge, he continued his studies at the University of the Philippines where he obtained his Bachelor of Science in Education, major in English 1931. In 1933, he continued his master’s degree in Educational Administration, major in Public Schools Finance at the University of California at Berkeley, California with his thesis entitled, “Development of a Foundation Funding of Public Schools in the Philippines”. 

His career in the public school was successful. In just a few years, his promotion was quite impressive.  From being a classroom teacher, he was promoted to elementary school principal for three years until he became a Supervisor in 1926. Eventually, he became the    Division Superintendent of Schools in 1933 covering the provinces of Bukidnon and Camarines Sur. President Quezon appointed him as a technical assistant solely on budget-related matter to the Commission. In 1954, he was the adviser to the President on education. He was the Superintendent of Private Schools before he was sworn in as Deputy Director of Public Schools by President Ramon Magsaysay in 1955. In July 1957, he was elected as one of the five vice-presidents during the 20th World Conference on Public Education held by UNESCO in Geneva, Switzerland.

His retirement from office did not stop him from working. He taught as  professor at the University of Manila, Arellano University and the National Teachers College.

Dr. Aldana authored the following books: The Curriculum of the Philippine Public School: its History and Development (1935); The Educational System of the Philippines (1949); and Public Schools in the Philippines: Its Administration and Finance.

He served and dedicated his 47 years of his life in government service! Truly, he deserved a lasting memory of his unselfish service in the government. That’s the reason why we carry his legacy and as Benignians, we are proud and great!

 

 

Carlos S. Bulosan: Isang Dakilang Manunulat at Makata mula Binalonan , Pangasinan

            Isinulat ni: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

                                              

Kilala ba ninyo si Carlos S. Bulosan? Alam ninyo ba na napasama ang kanyang pangalan sa 1942 na edisyon ng Who’s Who in America?

Nakilala ko lang si Carlos S. Bulosan noong nag-aaral ako sa kolehiyo  sa asignaturang Panitikang Pandaigdig. Ipinabasa sa amin ng aming propesor ang kanyang maikling kuwento na may pamagat na “My Father Goes to Court”. Dito na nag-umpisa ang aking paghanga sa kanyang mga isinulat dahil sobrang nakakaaliw habang binabasa ko ang kuwentong ito tungkol sa isang mayaman at isang mahirap na pamilya na nag-aaway tungkol sa amoy ng pagkain ng mayamang pamilya at nauwi sa demandahan sa korte. Basahin din ninyo at panigurado na kayo ay matatawa rin gaya ko. Dito ko rin nalaman na siya pala ay isinilang sa Binalonan, Pangasinan noong ika-24 ng Nobyembre 1911. Siya ay panglima sa pitong anak nina Simeon Bulosan at Martha Sampayan. Kapit-bayan pala naming siya.

Lumaki sa kabukiran at kahirapan si G. Carlos Bulosan. Kaya nga isa sa mga tema ng kanyang mga isinulat ay patungkol sa kahirapan at pakikipaglaban sa buhay. Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan siyang dumayo at manirahan sa Estados Unidos noong ika-22 ng Hulyo, 1930 sa edad na 17. Dito siya ay nagtatrabaho bilang tagapitas ng ubas at asparagus sa California. Nagtrabaho din siya bilang tagahugas ng plato sa isang restawran kasama ang kanyang kapatid. Kapag siya ay walang ginagawa o nawalan ng trabaho iginugugol niya ang kanyang mahabang panahon sa pagbabasa sa Los Angeles Public Library at pagsusulat. Dahil hindi siya tumigil sa pagsusulat ay nahasa siya ng husto at naging isang batiking manunulat kahit na hindi man lang siya nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa kahirapan ng buhay sa Amerika. Magkaganoon man hindi naging hadlang sa kanya ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral at naging puhunan niya ang kahiligan sa pagsusulat para  mabuhay ng marangal sa Amerika sa likod na nararanasang

Maliban sa pagiging abala sa pagsusulat, siya din ay aktbong nakikilahok sa kilusan ng paggawa. Dahil dito napabilang ang kanyang pangalan sa blacklist noong 1950 at nahirapan siyang makapasok at makapaghanap ng trabaho. Sa kasawiang palad siya ay nagkasakit, nahirapan sa buhay at nalolong sa pag-inom ng alak. Namatay siya sa Seattle noong ika-11 ng Setyembre, 1956  dahil sa malnutrisyon at bronchopneumonia. Inilibing siya sa Mount Pleasant Cemetery sa Seattle.

Pagkatapos ng dalawang dekana saka lamang nabigyan ng pansin ang kanyang mga obra maestra. Kung hindi dahil sa isang grupo ng mga batang Asian Americans na nakadiskubre  sa kanyang libro na America is in the Heart na unang nilimbag noong 1946 ay baka tuluyan nang makakalimutan ang mga gawa ni G. Carlos Bulosan.

Bilang pagkilala sa kanyang naimbag sa mundo ng panitikan, itinatag ang Bulosan Center for Filipino Studies Initiative noong 2018 sa University of California.

Narito ang kanyang mga nagawa at naisulat: Letter from America (1942); The Laughter of My Father (1944); America is in the Heart (1946); The Cry and the Dedication (1995); My Father’s Tragedy; The Romance of Magno Rubio; If You Want To Know What We are; and My Father Goes to Court.

            Bilang pagkilala sa kanyang ambag sa mundo ng panitikan at para hindi siya makalimutan ng mga kabataan at mamamayan sa Binalonan ay nagpatayo sila ng monumento at ipinangalan ang isang kalye sa kanya sa bayan ng Binalonon noong 1983. Idineklara rin tuwing ika-11 ng Setyembre tuwing taon ang Carlos S. Bulosan Day sa Bayan ng Binalonan. Isa rin siya sa mga natatanging Pangasinense na itinatampok sa Banaan Museum ( Pangasinan Provincial Museum).

            Para mas makilala pa natin nang lubusan si Carlos S. Bulosan tayo na at  magbasa  sa kanyang mga sinulat.

 

 

Benigno V. Aldana National High School, Pozorrubio, Pangasinan:

The School with  a  Series of Names

 

By: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

 

 

The name of Benigno V. Aldana National High  School (BVANHS), Pozorrubio, Pangasinan went through a series of changes.

In 1948, the “Junior” in the school’s name, Pozorrubio Junior High School, was already dropped. The Parliament Bill No. 1023 authored by former Assemblyman Roque R. de Guzman of Region 1 paved the school’s nationalization on November 12, 1982 by virtue of Batas Pambansa 252, thereby, it was renamed from Pozorrubio High School to Pozorrubio National High School.

By virtue of Batas Pambansa 807, Pozorrubio National High School was again renamed to Benigno V. Aldana National Memorial High School on April 27,1984. It was subsequently named in the honor of a prominent Pozorrubian, educator and Director of the Bureau of Public Schools, Benigno V. Aldana who was born on November 19, 1898 in Pozorrubio, Pangasinan. Prior to the passage of Batas Pambansa Blg. 252, the Bill was sponsored by former Congressman Tony Villas through the initiative of DECS Head Executive Assistant Lucio B. Fernandez. Behind the renaming of Pozorrubio National High School to Benigno V. Aldana National Memorial High School were to two equally distinguished Pozorrubians, namely, Dr. Florencio M. Buen, Provincial Schools Superintendent of Pangasinan, and Dr. MInda Cascolan Sutaria, Assistant Director, Bureau of Elementary Education.

Not long after, the word “Memorial” was dropped from Benigno V. Aldana National Memorial High School on August 12, 1994 under Sangguniang Bayan of Pozorrubio Resolution No. 103, s. 1994. Hence, the school’s name, Benigno V. Aldana National High School, remains until to this day.

 

 

 

F. Sionil Jose, Dakilang Manunulat Mula Rosales, Pangasinan

Isinulat ni: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

 

            Kilala ba ninyo si F. Sionil Jose? Hindi lahat ng mga taga-Pangasinan ay kilala si Ginoong Jose. Gaya ng karamihan ay hindi ko rin kilala si Ginoong Jose sa umpisa pero salamat sa social media at nakilala ko siya. Nagkataon kasi na may nagbebenta sa kanyang aklat sa isang grupo ng mga naglalako ng mga segunda-manong libro sa Facebook at nakabili ako ng isa. Pagtanggap ko sa libro na sinulat ni F. Sionel Jose ay doon ako nabigla at nalaman na taga-Rosales, Pangasinan pala siya. Mula noon kapag may nagbebenta ng kanyang aklat sa social media ay agad kong binibili basta kaya ng badyet.

Para sa kaalaman ng lahat, narito ang mga iba pang impormasyon tungkol sa buhay ni F. Sionil Jose.

Isa siyang sikat na manunulat sa Wikang Ingles at isang National Artist of the Philippines for Literature na ipinagkaloob sa kanya noong 2001. Siya ay isinilang noong ika-3 ng Disyembre 1924 at namatay noong ika-6 ng Enero 2022 sa edad na 97. Bata pa lamang siya ay kinahihiligan na talaga niya ang magbasa at isa sa naging inspirasyon niya sa pagsusulat ay walang iba kundi si Jose Rizal. Kaya sa kanyang obra maestra na Rosales Saga na binubuo ng limang tomo ay mula sa tema at tauhan ni Jose Rizal ng : Po-on (Source) (1984); The Pretenders (1962); My Brother, My Executioner (1973); Mass (1974); at Tree (1978). Ang mga limang nobela na ito ay isinalin sa 22 na mga wika.

Narito pa ang iba pang mga kilalang nobela na kanyang isinulat: Sin (1973); Ermita (1988); Gagamba (The Spider Man) (1991); Viajero (1993); Ben Singkol (2001); Vibora! (2007); Sherds (2008); Muse and Balikbayan: Two Plays (2008); The Feet of Juan Bacnang (2011). Narito naman ang mga maikling kuwento na kanyang isinulat: Platinum: Waywaya: Eleven Filipino Short Stories (1980); Ten Filipino Stories (1983); Olvidon and Other Stories (1988); Puppy Love and Thirteen Short Stories (1998); at The God Stealer and other Stories (2001).

Tunay ipinagmamalaki natin si F. Sionil Jose bilang isang Pangasinense dahil sa mga karangalan na kanyang mga natanggap gaya ng: Carlos Palanca Memorial Award for Literature (1959, 1979, 1980, 1981); Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature and Creative Communication Arts (1980); Chevalier dan I’Ordre des Arts et Letters (2000) at Pablo Neruda Centennial Award (Chile) (2004).

Masasabi natin na siya ay isa sa mga Filipinong manunulat na naabot ang kanyang katanyagan hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi pati sa ibayong dagat.  Bilang pagkilala at pagtangkilik sa  kanyang mga isinulat ang kanyang mga panulat ay isinalin sa 28 na wika gaya ng Korean, Indonesian, Czech, Dutch, Latvian, Russian, at Ukranian.

Kaya nga isa siya sa mga natatanging Pangasinense na itinatampok sa Banaan Museum (Pangasinan Provincial Museum). Ngayon at kilala natin siya ay umpisahan na rin na bumili at magbasa ng kanyang mga isinulat. Malay natin baka kayo ay isa sa mga magmamana ng kanyang katalinuhan sa pagsusulat. Wala itong imposible basta may pananalig tayong makamit ang ating pangarap sa buhay.

 

Mga Libangan Bilang Pantanggal Stress

Isinulat ni: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

Sino ang hindi pa nakakaranas ng stress sa kanyang buhay? Bilang isang normal na tao, kakambal na natin  sa  ating buhay ang stress.  Ano nga ba ang stress? Ang stress ay mga bagay-bagay o sitwasyon na nagdudulot sa atin ng bagabag sa normal na daloy ng ating buhay. Maaaring ito ay pisikal, mental o emosyonal na stress. Ang pagkakasakit ay isang uri ng pisikal na stress. Ang kawalan ng pera ay isang  uri ng mental na stress. Ang pag-aaway o paghihiwalay ng mag-kasintahan o mag-asawa ay isang emosyonal na stress. Lahat tayo ay nakakaranas nito.

Paano natin malalabanan o mababawasan ang stress sa buhay natin? Bilang isang guro, normal na sa amin ang makaranas ng stress araw-araw. Sa bawat pagharap namin sa aming mga estudyante sa bawat klase ay hindi namin maiwasan ang magalit o mapagsabihan ang ating mga mag-aaral dahil hindi mo maiiwasan na sadyang may mga bata talaga na sadyang makukulit o matitigas ang ulo. Dahil may Child Protection Policy, dapat cool lang tayo na mga guro.

Ako bilang isang guro ang mabisang paraan para maibsan ang stress sa aking buhay ay ang pagkakaroon ko ng hobby o libangan. Ang libangan na ito ay nakakatulong  sa akin hindi lamang malabanan ang stress kung hindi nakakatulong din ito sa aking pagtuturo. Ito ang mga libangan na maaari ninyo gayahin:

Philately- ito ay pangongolekta ng selyo. Maliit man na papel ito na ginagamit natin sa paghuhulog ng sulat sa post office ay may mga kaalaman din tayong matutunan tungkol dito. Matutunan natin sa pamamagitan nito ang kasaysayan at kultura ng isang bansa. Makakakilala ka rin ng mga iba’t ibang uri tao gaya ng mga hari at reyna, mga presidents, mga siyentista, mga mang-aawit, mga dakilang kompositor, mga iba’t ibang hayop, mga naggagandahang pasyalan o tanawin. Halos lahat ay makikita mo na sa mga selyo.

Deltiology- ito naman ay pangongolekta ng postcards. Kakambal ng selyo ay ang postcard. Ito ay ginagamit sa mga maiikling mensahe lamang na pinapadala sa post office. Gaya ng selyo, halos kapareha nito ang mga inilalagay na tema sa harapan ng bawat postcard. Alam ba ninyo na si Dr. Jose Rizal ay gumagamit din ng postcard sa kanyang pakikpag-ugnayan sa kanyang kaibigan dito sa Pilipinas o sa ibayong dagat?

Numismatics- ito naman ay pangongolekta ng mga papel na pera o barya. Nagtataglay rin ito ng kaalaman tungkol sa kasaysayan o kultura ng isang bansa. Ang tema nito ay kagaya rin selyo o postcard pero limitado lamang ang mga bagay-bagay, tanawin, hayop o mga tao ang inilalagay sa mga pera at barya.

Ito ang mga ilang lamang sa mga sikat na libangan na kinokoleta ng mga kolektor sa iba’t ibang bansa. Kung ano ang iyong hilig sa buhay ay pwede mong gawin bilang libangan para maibsan o mabawasan ang stress na iyong nararamdam sa bawat araw. Ang mahalaga ay mapanatili natin ang masayang pamumuhay sa likod ng maraming stress na nakapaligid sa atin sa araw-araw.

Mayroon na ba kayong napili na mapaglilibangan sa buhay? Para humaba pa ang ating buhay mamili ka na ng hobby na pang habang-buhay ang taglay!

 

 

 

 

Postcard Bilang Kasangkapan sa Pagtuturo

Isinulat ni: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

 

Bilang guro naranasan mo na bang gumamit ng postcard sa iyong pagtuturo?

Ano ang postcard? Ang postcard ay isa sa mga pangunahing libangan ng mga tao sa buong mundo maliban sa philately at numismatics. Mga karaniwan na makikita na imahe sa harapan ng postcard ay mga larawan ng magagandang pasyalan, mga kilalang tao gaya ng mga hari at reyna, president, mga bayani, siyentista, kompositor, mga artista at iba pa. Makakakita ka rin ng mga iba’t ibang uri ng hayop, mga halaman at puno at marami pang iba. Sadyang nakakaaliw ang mangolekta nito lalo na kapag may mga kamag-anak kayo na nagtatrabaho sa abroad. Pwede kang humingi sa kanila nito at padalhan ka nila nito.

Bilang isang guro ay matagal na akong gumagamit ng postcard sa mga asignaturang aking tinuturuan. Masasabi ko na mabisa ang paggamit ng postcard sa pagtuturo. Mabisa itong gamit sa pagtuturo ng kasaysayan  dahil taglay ng postcard ang mga tema gaya ng mga makasaysayang lugar, magagandang tanawin, mga bayani, mga president, mga hari at reyna, at iba pang mga tema na may kaugnayan sa kasaysayan.

Sa pagtuturo ng asignaturang Science, pwede kang magpakita ng mga larawan ng mga siyentista, mga iba’t ibang uri ng hayop, tanim, at mga bagay-bagay na makikita natin sa ating paligid o sa dagat. Maging ang mga planeta at kalawakan ay makikita rin natin sa postcard.

Sa pagtuturo ng TLE, inilalarawan din sa postcard ang mga pagkain at recipe, iba’t ibang uri ng hanapbuhay, mga gamit sa kusina at iba pang may kaugnayan sa asignaturang ito.

Sa pagtutro naman ng MAPEH, makakakita ka din ng postcards na nagpapakita ng iba’t ibang laro, mga sikat na atleta, mga kagamitan sa paglalaro, mga iba’t ibang uri ng instrumenting pangmusika.

Sa pagtuturo naman ng mga asignaturang Filipino at Ingles, inilalarawan din sa postcard ang mga dakilang manunulat ng ating kasaysayan at makabagong henerasyon gaya ni Dr. Jose Rizal at ang kanyang mga obra maestra gaya ng Noli Me Tangere at  El Filibusterismo. Sa pagsusulat ng malikhaing gawa, pwedeng ipagamit ang likod ng postcard sa paglikha nila ng tula o written poetry. Pwede pa rin nating buhayin ang pagpapalitan ng sulat sa ating kapwa kahit na halos lahat ay gumagamit na ng messenger sa kanilang Facebook account. Mas matagal ang buhay ng postcard kaysa sa messenger dahil pwede mong itago ang postcard sa habang panahon pero ay messenger sa FB ay pwedeng mong mabura at matabunan ang mga mensahe na iyong sinulat.

Halina at gumamit uli tayo ng postcard sa pagtuturo!