Karanasan
Bilang Tulay sa Pagsusulat
Isinulat ni:
Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD
Master Teacher I,
Benigno V. Aldana National High School
Pozorrubio,
Pangasinan
Mahilig
ba kayong magsulat ng isang maikling kuwento o nobela? Ang pagsusulat ay isang kasanayan na hindi
ganoon kadaling angkinin nino man. Ito ay bunga ng mahabang proseso. Hindi ito
kayang makamit sa isang upuan laman. Ito ay bunga ng mahabang panahon nang
pagsasanay gamit ang utak, damdamin at determinasyon.
Ang
pagiging isang magaling na manunulat ay bunga ng mahabang karanasan. Ang
kanilang obra maestra na panulat ay bunga ito ng kanilang mahabang pagsasanay
gamit ang buhay na alaala ng nakaraan. Humuhugot ang bawat manunulat sa
kanilang karanasan sa nakaraan upang mabuo ang kuwento sa likod ng mga tauhan
na likhang isip nila. Hindi man sila nauugnay sa mga totoong tao pero taglay ng
bawat tauhan sa kuwento ang katauhan ng isang tunay na tao. Sila ay nabibigyan
ng buhay ng bawat manunulat.
Hindi
lamang sapat sa mga manunulat ang kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng kuwento.
Bawat manunulat ay alam ang katangian at bahagi ng isang maikling kuwento o
nobela pero hindi sila ganoon kadali na magsulat ng isang kuwento dahil hindi
lahat ay biniyayaan ng kasanayan sa pagsusulat.
Alam
ba ninyo na ang pangunahing sangkap sa pagsusulat ay dapat nagtataglay ka ng
isang malawak na karanasan. Ang karanasan na ito ay maaaring karanasan mo mismo
bilang isang tao at karanasan mismo ng inyong mga mahal sa buhay, kamag-anak,
kapitbahay, mga kaklase o karanasan ng kahit sino. Kapag pinagtagpi-tagpi mo
ang mga iba’t ibang karanasan ng mga taong iyong nakahalubilo ay makakabuo ka
ng isang magandang kuwento ng buhay. Nagbibigay buhay sa mga tauhan sa iyong
kuwento ay ang pagpapakita ng iba’t ibang emosyon ng bawat tauhan sa kuwento na
sila rin ay marunong masaktan, tumawa, magalit, magpatawad at mangarap sa
buhay.
Ang
mga dakilang manunulat ay humuhugot sila sa kanilang karanasan mismo o sa
kanilang pagmamasid sa kanilang kapaligiran. Ang mga karanasan natin sa buhay
gaya ng kahirapan, salot, digmaan, at kalamidad ay maaaring tema sa iyong
pagsusulat ng isang obra maestra. Dito humuhugot ng kanilang inspirasyon sa
pagsusulat ng mga dakila nating mga manunulat.
Kaya
kung nanaisin mo na maging isang mahusay na manunulat sa hinaharap kailangan
mong mag-ipon ng sapat na karanasan sa buhay para makabuo ka rin ng mga kuwento
na hango mismo sa iyong karanasan o
karanasan ng iba. Para mapaghusay mo pa ang pagsusulat kailangan mo rin ng
mahabang pasensiya sa pagbabasa ng iba’t ibang kuwento ng mga manunulat dahil makakapulot ka rin ng ideya
kung paano bubuhayin ang bawat tauhan sa iyong kuwento na mag-iiwan ng tatak sa
bawat magbabasa ng iyong kuwento. Kaya tatanggapin natin ang bawat karanasan
natin sa buhay maganda man ito o isang bangungot ay magagamit at magagamit pa
rin natin ito bilang dagdag sustansiya sa masalimuot na kuwento ng buhay
manunulat.
No comments:
Post a Comment