Postcard
Bilang Kasangkapan sa Pagtuturo
Isinulat ni:
Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD
Master Teacher I,
Benigno V. Aldana National High School
Pozorrubio,
Pangasinan
Bilang
guro naranasan mo na bang gumamit ng postcard sa iyong pagtuturo?
Ano
ang postcard? Ang postcard ay isa sa mga pangunahing libangan ng mga tao sa
buong mundo maliban sa philately at numismatics. Mga karaniwan na makikita na
imahe sa harapan ng postcard ay mga larawan ng magagandang pasyalan, mga
kilalang tao gaya ng mga hari at reyna, president, mga bayani, siyentista,
kompositor, mga artista at iba pa. Makakakita ka rin ng mga iba’t ibang uri ng
hayop, mga halaman at puno at marami pang iba. Sadyang nakakaaliw ang
mangolekta nito lalo na kapag may mga kamag-anak kayo na nagtatrabaho sa
abroad. Pwede kang humingi sa kanila nito at padalhan ka nila nito.
Bilang
isang guro ay matagal na akong gumagamit ng postcard sa mga asignaturang aking
tinuturuan. Masasabi ko na mabisa ang paggamit ng postcard sa pagtuturo. Mabisa
itong gamit sa pagtuturo ng kasaysayan
dahil taglay ng postcard ang mga tema gaya ng mga makasaysayang lugar,
magagandang tanawin, mga bayani, mga president, mga hari at reyna, at iba pang mga
tema na may kaugnayan sa kasaysayan.
Sa
pagtuturo ng asignaturang Science, pwede kang magpakita ng mga larawan ng mga
siyentista, mga iba’t ibang uri ng hayop, tanim, at mga bagay-bagay na makikita
natin sa ating paligid o sa dagat. Maging ang mga planeta at kalawakan ay
makikita rin natin sa postcard.
Sa
pagtuturo ng TLE, inilalarawan din sa postcard ang mga pagkain at recipe, iba’t
ibang uri ng hanapbuhay, mga gamit sa kusina at iba pang may kaugnayan sa
asignaturang ito.
Sa
pagtutro naman ng MAPEH, makakakita ka din ng postcards na nagpapakita ng iba’t
ibang laro, mga sikat na atleta, mga kagamitan sa paglalaro, mga iba’t ibang
uri ng instrumenting pangmusika.
Sa
pagtuturo naman ng mga asignaturang Filipino at Ingles, inilalarawan din sa
postcard ang mga dakilang manunulat ng ating kasaysayan at makabagong
henerasyon gaya ni Dr. Jose Rizal at ang kanyang mga obra maestra gaya ng Noli
Me Tangere at El Filibusterismo. Sa
pagsusulat ng malikhaing gawa, pwedeng ipagamit ang likod ng postcard sa
paglikha nila ng tula o written poetry. Pwede pa rin nating buhayin ang
pagpapalitan ng sulat sa ating kapwa kahit na halos lahat ay gumagamit na ng
messenger sa kanilang Facebook account. Mas matagal ang buhay ng postcard kaysa
sa messenger dahil pwede mong itago ang postcard sa habang panahon pero ay
messenger sa FB ay pwedeng mong mabura at matabunan ang mga mensahe na iyong
sinulat.
Halina
at gumamit uli tayo ng postcard sa pagtuturo!
No comments:
Post a Comment