Monday, July 21, 2025

                                  BENIGNO V. ALDANA NATIONAL HIGH SCHOOL:

OFFICE OF THE PRINCIPAL IN FOCUS

 

Benigno V. Aldana National High School (BVANHS) has its name changed five times  and handled by different principals since 1946.

 

TELESFORO C. QUINTO

1946-1947

 

Described as Captain America due to his resemblance to the movie hero of the Americans during that time, Mr. Telesforo Enrique became the first principal of Pozorrubio Junior High School. He was not a resident of Pozorrubio, but he hailed from Lingayen, Pangasinan. He was tall with a distinct soft voice. He served as the principal for a full year.

CANDELARIO C. QUINTO

1947-1952

 

            After returning to his hometown, Mr. Enrique was succeeded by Mr. Candelario C. Quinto from 1947-1952. It was during the time of Mr. Quinto that the word, Junior, was dropped from name of the school in 1948 thereby giving it a mature existence. After serving for five years, he left the school for St. Philomena’s Academy (SPA), a Catholic-run private school in town, as the school principal.

 

NUMERIANO M. VINLUAN

1952-1967

 

            “ Sak-sakey so matak, saksakey so salitak!” (  I only have one eye, thus, I have one word!). This expression made Mr. Numeriano Mac. Vinluan popular among people who knew him well and it even became a byword associated to him in public. As a principal, he was known to be strict, intelligent, and truly a  “one-word man”.  During his term from 1952-1957, he initiated more programs and campus journalism was one of them. It became one of his flagship programs that made Pozorrubio High School catapulted to the national scene. The Landscape, the name of the school paper that succeeded The Sierras, the official student publication at the time of Mr. Quinto, brought  Pozorrubio National High in pedestals as it reaped consistent national awards under  Mr. Eul Mendoza who served as the school paper adviser of The Landscape.

BRIGIDA Q. MAGNO

1967-1973

 

            After the retirement of Mr. Vinluan, Mrs. Brigida Q. Magno took the helm of leadership. As a former Home Economics teacher, among her pet projects was the construction of the Home Economics Building. Her being active as the faculty president led her to the position. She was the first lady principal of the school. However, she gave way to an agriculture teacher to take over the management of the school.

 

ORLANDO P. PEREZ

October 1973- November 2001

 

            Mr. Orlando P. Perez of Alcala, Pangasinan who succeeded Mrs. Magno became the longest serving principal of this school from October 16, 1973 to November 2001. However, he started first as classroom teacher from October 28,1958 to December 30,1969. From January 1,1970 to October 15,1973 he served as Assistant Secondary School Principal. He was promoted as Principal 1 from October 16,1973 to June 30,1974. He held his position as Principal II from July 1,1974 to November 2001.

It was during his term that the name of the school had a series of changes from Pozorrubio High School to Pozorrubio National High School. Then, the school’s name was changed to Benigno V. Aldana National Memorial High School. Later, the word “Memorial” was eventually dropped leaving the official name, Benigno V. Aldana National High School which is the official name of the school until to this day.

            Mr. Perez was a man of contrast. He was both loved and hated because of his being strict, uncompromising, and outrageously demanding for discipline, obedience, dedication to work, cleanliness, and love for the school. During his term,  the construction of school buildings  boomed. Being a former agriculture teacher and environmentalist at heart, he was the reason why this school has a lot of trees all over the campus. It was also during his term that the school became known in the field of campus journalism. The school became perennial winners and in many cases became an over-all champion in the Division School  Press Conference giving them an outright spot in the Regional School Press Conference and National School Press Conference. He was usually misunderstood in the way he managed and treated the teaching and non-teaching staff, but at home he was a loving husband and a father to his children. He was a different man when he was at home, but a stern leader in school.

DR. ALFREDO S. CALUGAY

2001-2004

            After the retirement of Mr. Perez, Dr. Alfredo S. Calugay of Urbiztondo, Pangasinan returned home to BVANHS after his stint as the principal of Balungao National High School. Before that, Dr. Calugay was a former teacher of Saint Philomena’s Academy (SPA) for years before joining BVANHS. While teaching in this school, he was then the adviser of Drum and Lyre Corp and Student Government Organization (SGO). A dramatic turn of events in 2004 led to his transfer to San Jacinto National High School (SJNHS). From SJNHS, he was assigned at the Division Office as Araling Panlipunan coordinator and eventually, he was promoted as Education Program Supervisor 1 of the same subject area.

            While waiting for the successor of Dr. Calugay, the following personalities had the chance to lead BVANHS: Mrs. Juliana B. Laoag, Schools Division Superintendent, Dr. Imelda Navarro, Atty. Donato Balderas, Assistant Schools Division Superintendent, and Dr, Agnes Raguinan.

DR. ROBERTO B. QUEZON

2009-2022

 

            At first, Dr. Roberto B. Quezon held the position of Officer-In-Charge (OIC) of the Office of the Principal IV in 2006. He was the first alumnus to serve the school as the OIC-Principal. Prior to his assignment in his Alma Mater, he was the principal of Eugenio P. Perez National High School, Brgy. Villegas, Pozorrubio, Pangasinan from June 21, 1995 to February 27, 2002. From Pozorrubio, he was promoted and transferred as Principal II to La Paz National High School, Umingan, Pangasinan from February 28, 2002 to December 9, 2007. He was eventually promoted to Principal IV in the same school from December 10,2007 to March 15,2009. With his ardent desire to serve his Alma Mater, he went back to BVANHS as Principal IV. He was the second longest serving principal of BVANHS from March 16,2009 to December 2022. During his term, the school wall was built which has ensured the protection and safety of the school from outsiders. Notable achievement of Dr. Quezon was the opening of the Senior High School despite the absence of school buildings on June 2016. The birth pain of opening the senior high school has been experienced by both senior high school teachers and their  students. They seemed to be “nomads” inside the school as they held their classes under the trees, along the corridor, and had to look for rooms during vacant periods of the junior high school teachers. At aged 63, Dr. Quezon had to retire unexpectedly in December 2022 due to his health condition.

DR. JEROME S. PARAS

January 2023- November 2023

 

            Taking the helm of leadership for BVANHS is Dr. Jerome S. Paras, a former Education Program Supervisor (EPS) for Araling Panlipunan of Pangasinan Division II. Dr. Paras is an alumnus of BVANHS, Batch 1989. However, he also served in his capacity as the former Head Teacher of Araling Panlipunan Department in this institution from August 19,2009 to August 30, 2011 until he was promoted as the principal of Palguyod National High School, a 189 nationalized school in Pozorrubio, from August 31,2011 to October 17, 2012. After serving Palguyod National High School, he was promoted from Principal II to Principal IV while at Manaoag National High School from October 18, 2012 to June 13,2016. He was promoted as Education Program Supervisor from June 14,2017 to January 8,2023. Due to his ardent desire to serve his fellow Pozorrubians and love for his Alma Mater, BVANHS, he returned to Pozorrubio as the Principal IV. It was a big decision to leave his post as Education Program Supervisor of Araling Panlipun and chose a greater purpose in life, that is, to share his vision and mission of making his Alma Mater proud and great again. In his capacity as the new principal of this school, great things had happened in terms of infrastructure. In less than a year of his stay in this school, he had transformed BVANHS. He renovated the Administration Building and gave it a new look. The Office of the Principal before has become a Conference Room which serves as a venue for meetings and conference among department heads, student leaders, PTA officers, and internal/external stakeholders. He also renovated the comfort rooms of the Administration Building making it really a comfortable place to ease ourselves from the call of nature. From the time of the construction of the Parent-Teacher Association (PTA) Hall, finally its flooring has been covered with tiles. Other projects under Dr. Paras were: the construction of the main entrance gate and another gate adjacent to the main entrance gate; the construction of a new flag pole in front of the stage; the transfer of the bust of Dr. Benigno V. Aldana; renovations of the two rooms Araling Panlipunan Department and the MAPEH Building; repainting of the Administration Building; Junior High School Library, English Department Building and others. At present, Dr. Paras has been installed as the new Public Schools District Supervisor of Mangaldan District 1 recently.

 

OFFICERS-IN CHARGE

Dr. Redentor B. Aquino, who Is the Chief Education Supervisor of Pangasinan II, sgod, served as the OIC- Office of the Principal IV  from December 2023 until January 2024.

Currently, Dr. Eddie M. Raguindin, who serves as the Education Program Supervisor (EPS) of Science, is the Officer-in-Charge (OIC), Office of Principal IV of this school

 

BENIGNO V. ALDANA NATIONAL HIGH SCHOOL:

The School with  a Series of Names

The school’s name went through a series of changes. In 1948, the “Junior” in the school’s name, Pozorrubio Junior High School, was already dropped. The Parliament Bill No. 1023 authored by former Assemblyman Roque R. de Guzman of Region 1 paved the school’s nationalization on November 12, 1982 by virtue of Batas Pambansa 252, thereby, it was renamed from Pozorrubio High School to Pozorrubio National High School.

By virtue of Batas Pambansa 807, Pozorrubio National High School was again renamed to Benigno V. Aldana National Memorial High School on April 27,1984. It was subsequently named in the honor of a prominent Pozorrubian, educator and Director of the Bureau of Public Schools, Benigno V. Aldana who was born on November 19, 1898 in Pozorrubio, Pangasinan. Prior to the passage of Batas Pambansa Blg. 252, the Bill was sponsored by former Congressman Tony Villas through the initiative of DECS Head Executive Assistant Lucio B. Fernandez. Behind the renaming of Pozorrubio National High School to Benigno V. Aldana National Memorial High School were to two equally distinguished Pozorrubians, namely, Dr. Florencio M. Buen, Provincial Schools Superintendent of Pangasinan, and Dr. MInda Cascolan Sutaria, Assistant Director, Bureau of Elementary Education.

Not long after, the word “Memorial” was dropped from Benigno V. Aldana National Memorial High School on August 12, 1994 under Sangguniang Bayan of Pozorrubio Resolution No. 103, s. 1994. Hence, the school’s name, Benigno V. Aldana National High School, remains until to this day.

The school had produced its first batch of 37 graduates and had their commencement exercise at the Plaza Pergola in 1947 with Nelia Magno as the Valedictorian and Ador Salazar as Salutatorian. In the following year, this 1948 batch had the distinction of holding their commencement exercise for the first time in the school’s new quadrangle with Jose P. Magno, Jr., who retired as major general and became the former Presidential Adviser and former Chairman of the of GSIS and close confidant of President Fidel V. Ramos, as Valedictorian and Rosario Estrada as Salutatorian.

BENIGNO V. ALDANA: The Man Behind the School’s Name

Dr. Benigno de Vera Aldana was the former Director of the Bureau of Public Schools.

He was the son of Dionisio Aldana and Magdalena de Vera. He was  born in November 19, 1898 in Pozorrubio, Pangasinan. He finished his secondary education at Pangasinan High School, Lingayen, Pangasinan in 1916. After he graduated in high school, he enrolled at Philippine Normal School, now Philippine Normal University, where he graduated with honors in 1925. In his insatiable love of knowledge, he continued his studies at the University of the Philippines where he obtained his Bachelor of Science in Education, major in English 1931. In 1933, he continued his master’s degree in Educational Administration, major in Small Public Schools Finance at the University of California at Berkeley, California with his thesis entitled, “Development of a Foundation Funding of Public Schools in the Philippines”. 

His career in the public school was successful as began in his career in education in 1916 as a high school teacher. In a span of three years, his promotion was quite impressive.  From being a classroom teacher, he was promoted to elementary school principal. He was then promoted to high school in 1920 and supervised teachers in 1921. Subsequently, he became a Supervisor in 1926. Eventually, he became the    Division Superintendent of Schools in 1933 covering the provinces of Bukidnon and Camarines Sur. In his leadership, he served  as  “master of the special touches” on the Academic Division of the Office of Education.   President Quezon appointed him as a technical assistant solely on budget-related matter to the Commission before the Secord World War broke out.. In 1954, he was the adviser to the President on education. He was the Superintendent of Private Schools before he was sworn in as Deputy Director of Public Schools by President Ramon Magsaysay in 1955. Two years after, he took the leadership in public schools department as an interim and soon after as permanent.

In July 1957, he was elected as one of the five vice-presidents during the 20th World Conference on Public Education held by UNESCO in Geneva, Switzerland.

His retirement from office did not stop him from working as an educator.  He taught as  professor at the University of Manila, Arellano University and the National Teachers College. With his passion of writing, he wrote scientific works and extensive teaching and psycology.

Dr. Aldana authored the following books: The Curriculum of the Philippine Public School: its History and Development (1935); The Educational System of the Philippines (1949), which received good review by the Office of UNESCO in Paris; and Public Schools in the Philippines: Its Administration and Finance. He also co-author of textbooks, two of which are in English: Fundamentals of English majors and the Fundamentals of Educational Psychology.

He had been in four months of retirement when he died of a heart attack at UST Hospital on July 6, 1963.

He served and dedicated his 47 years of his life in government service! Truly, he deserved a lasting memory of his unselfish service in the government. That’s the reason why we carry his legacy and as Benignians, we are proud and great!

 

Benigno V. Aldana National High School: Its Humble Beginnings

By: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

                                                                        

Before World War II broke out, the education of high school students from Pozorrubio took place in various places in Pangasinan, namely, Lingayen, Dagupan, Manaoag or even to nearby towns with established high schools. Some even went as far as Baguio just to continue their secondary education.

Immediately after the end of World War II, several influential leaders and concerned citizens had seen the urgency of establishing a secondary school in Pozorrubio in order to ease out the financial burden of many parents who were sending their children to various places. Led by the mission to establish a secondary school in this town were Don Domingo M. Magno, Don Florentino Magno and Don Claro C. Quinto who were former mayors of this town. They petitioned the officials of the Department of Education in Manila to put up a secondary school in Pozorrubio.

With the help of a fellow Pozorrubian, Dr. Daniel M. Salcedo, who was then the Director of Public Schools, he used his connections to help his townmates in their petition to the Department of Education.  Support from other sectors soon followed such as the members of Parent Teachers Association (PTA) led by Buenaventura and Andres Aldana, Francisco and Alejandro Aldana, Raymundo and Gerardo Buada, Juan Dimagan, Pedro Estaris, Higino Gomerz, Sr.,    Paulino de Vera, Deogracias Estrada, German Lagera, Orestes and Andres Olarte, Gerardo Nabor,Sr., Enrique Posadas, Jorge Robles, Sr, and Esteban Salcedo. Hon. Enrique Braganza, the governor of the province of Pangasinan that time, and Mayor Eligio V. Fernandez also gave their full support and contributed to the establishment of a secondary school in Pozorrubio.

Finally, the petition was approved by the Department of Education and the Pozorrubio Junior High School was established on July 15, 1946 just barely seven months after the end of World War II.

Coupled with the establishment of a new secondary school in the Municipality of Pozorrubio were the problems of having no school buildings and classrooms to accommodate the first batch of its enrollees. This first-ever student body composed of around 235 students had to suffer the birth pains of the newly established secondary school in town. They had to attend their classes in several sites in the town’s población. The first school rooms were offered in the residences of Don Andres Olarte and Jovellanos-Venezuela’s ancestral house located both in Sison Street, Don Gerardo Nabor, Sr. and Don Andres Aldana’s residences both located in Espiritu Street, and Itliong-Estaris’ residence located along Rizal Street. However, the Don Andres Olarte’s residence served as the main building.

In the middle of 1947, the school was finally moved to its present site in Bgry. Cablong, Pozorrubio, Pangasinan. With their ardent desire to help their townmates, Don & Doṅa. Orestes and Cion Olarte donated three-hectares (thirty-thousand square meters). Soon, another two hectares were purchased through the contribution and fundraisings initiated by the Parent Teachers Association (PTA). True to his promise to Don Domingo Magno, Senator Camilo Osias fulfilled his promise and used his pork barrel in the construction of the school’s first buildings. However, most buildings during that time were made of old cogon-talahib rooftops and sawali for their walls. Today, BVANHS has a total land of 73,856 square meters.

 

Benigno V. Aldana: The Man Behind the School’s Name

By: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Teacher II, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

                                                     

Dr. Benigno de Vera Aldana was the former Director of the Bureau of Public Schools.

He was the son of Dionisio Aldana and Magdalena de Vera. He finished his secondary education at Pangasinan High School, Lingayen, Pangasinan in 1916. After he graduated in high school, he enrolled at Philippine Normal School, now Philippine Normal University, where he graduated with honors in 1925. In his insatiable love of knowledge, he continued his studies at the University of the Philippines where he obtained his Bachelor of Science in Education, major in English 1931. In 1933, he continued his master’s degree in Educational Administration, major in Public Schools Finance at the University of California at Berkeley, California with his thesis entitled, “Development of a Foundation Funding of Public Schools in the Philippines”. 

His career in the public school was successful. In just a few years, his promotion was quite impressive.  From being a classroom teacher, he was promoted to elementary school principal for three years until he became a Supervisor in 1926. Eventually, he became the    Division Superintendent of Schools in 1933 covering the provinces of Bukidnon and Camarines Sur. President Quezon appointed him as a technical assistant solely on budget-related matter to the Commission. In 1954, he was the adviser to the President on education. He was the Superintendent of Private Schools before he was sworn in as Deputy Director of Public Schools by President Ramon Magsaysay in 1955. In July 1957, he was elected as one of the five vice-presidents during the 20th World Conference on Public Education held by UNESCO in Geneva, Switzerland.

His retirement from office did not stop him from working. He taught as  professor at the University of Manila, Arellano University and the National Teachers College.

Dr. Aldana authored the following books: The Curriculum of the Philippine Public School: its History and Development (1935); The Educational System of the Philippines (1949); and Public Schools in the Philippines: Its Administration and Finance.

He served and dedicated his 47 years of his life in government service! Truly, he deserved a lasting memory of his unselfish service in the government. That’s the reason why we carry his legacy and as Benignians, we are proud and great!

 

 

Carlos S. Bulosan: Isang Dakilang Manunulat at Makata mula Binalonan , Pangasinan

            Isinulat ni: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

                                              

Kilala ba ninyo si Carlos S. Bulosan? Alam ninyo ba na napasama ang kanyang pangalan sa 1942 na edisyon ng Who’s Who in America?

Nakilala ko lang si Carlos S. Bulosan noong nag-aaral ako sa kolehiyo  sa asignaturang Panitikang Pandaigdig. Ipinabasa sa amin ng aming propesor ang kanyang maikling kuwento na may pamagat na “My Father Goes to Court”. Dito na nag-umpisa ang aking paghanga sa kanyang mga isinulat dahil sobrang nakakaaliw habang binabasa ko ang kuwentong ito tungkol sa isang mayaman at isang mahirap na pamilya na nag-aaway tungkol sa amoy ng pagkain ng mayamang pamilya at nauwi sa demandahan sa korte. Basahin din ninyo at panigurado na kayo ay matatawa rin gaya ko. Dito ko rin nalaman na siya pala ay isinilang sa Binalonan, Pangasinan noong ika-24 ng Nobyembre 1911. Siya ay panglima sa pitong anak nina Simeon Bulosan at Martha Sampayan. Kapit-bayan pala naming siya.

Lumaki sa kabukiran at kahirapan si G. Carlos Bulosan. Kaya nga isa sa mga tema ng kanyang mga isinulat ay patungkol sa kahirapan at pakikipaglaban sa buhay. Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan siyang dumayo at manirahan sa Estados Unidos noong ika-22 ng Hulyo, 1930 sa edad na 17. Dito siya ay nagtatrabaho bilang tagapitas ng ubas at asparagus sa California. Nagtrabaho din siya bilang tagahugas ng plato sa isang restawran kasama ang kanyang kapatid. Kapag siya ay walang ginagawa o nawalan ng trabaho iginugugol niya ang kanyang mahabang panahon sa pagbabasa sa Los Angeles Public Library at pagsusulat. Dahil hindi siya tumigil sa pagsusulat ay nahasa siya ng husto at naging isang batiking manunulat kahit na hindi man lang siya nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa kahirapan ng buhay sa Amerika. Magkaganoon man hindi naging hadlang sa kanya ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral at naging puhunan niya ang kahiligan sa pagsusulat para  mabuhay ng marangal sa Amerika sa likod na nararanasang

Maliban sa pagiging abala sa pagsusulat, siya din ay aktbong nakikilahok sa kilusan ng paggawa. Dahil dito napabilang ang kanyang pangalan sa blacklist noong 1950 at nahirapan siyang makapasok at makapaghanap ng trabaho. Sa kasawiang palad siya ay nagkasakit, nahirapan sa buhay at nalolong sa pag-inom ng alak. Namatay siya sa Seattle noong ika-11 ng Setyembre, 1956  dahil sa malnutrisyon at bronchopneumonia. Inilibing siya sa Mount Pleasant Cemetery sa Seattle.

Pagkatapos ng dalawang dekana saka lamang nabigyan ng pansin ang kanyang mga obra maestra. Kung hindi dahil sa isang grupo ng mga batang Asian Americans na nakadiskubre  sa kanyang libro na America is in the Heart na unang nilimbag noong 1946 ay baka tuluyan nang makakalimutan ang mga gawa ni G. Carlos Bulosan.

Bilang pagkilala sa kanyang naimbag sa mundo ng panitikan, itinatag ang Bulosan Center for Filipino Studies Initiative noong 2018 sa University of California.

Narito ang kanyang mga nagawa at naisulat: Letter from America (1942); The Laughter of My Father (1944); America is in the Heart (1946); The Cry and the Dedication (1995); My Father’s Tragedy; The Romance of Magno Rubio; If You Want To Know What We are; and My Father Goes to Court.

            Bilang pagkilala sa kanyang ambag sa mundo ng panitikan at para hindi siya makalimutan ng mga kabataan at mamamayan sa Binalonan ay nagpatayo sila ng monumento at ipinangalan ang isang kalye sa kanya sa bayan ng Binalonon noong 1983. Idineklara rin tuwing ika-11 ng Setyembre tuwing taon ang Carlos S. Bulosan Day sa Bayan ng Binalonan. Isa rin siya sa mga natatanging Pangasinense na itinatampok sa Banaan Museum ( Pangasinan Provincial Museum).

            Para mas makilala pa natin nang lubusan si Carlos S. Bulosan tayo na at  magbasa  sa kanyang mga sinulat.

 

 

Benigno V. Aldana National High School, Pozorrubio, Pangasinan:

The School with  a  Series of Names

 

By: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

 

 

The name of Benigno V. Aldana National High  School (BVANHS), Pozorrubio, Pangasinan went through a series of changes.

In 1948, the “Junior” in the school’s name, Pozorrubio Junior High School, was already dropped. The Parliament Bill No. 1023 authored by former Assemblyman Roque R. de Guzman of Region 1 paved the school’s nationalization on November 12, 1982 by virtue of Batas Pambansa 252, thereby, it was renamed from Pozorrubio High School to Pozorrubio National High School.

By virtue of Batas Pambansa 807, Pozorrubio National High School was again renamed to Benigno V. Aldana National Memorial High School on April 27,1984. It was subsequently named in the honor of a prominent Pozorrubian, educator and Director of the Bureau of Public Schools, Benigno V. Aldana who was born on November 19, 1898 in Pozorrubio, Pangasinan. Prior to the passage of Batas Pambansa Blg. 252, the Bill was sponsored by former Congressman Tony Villas through the initiative of DECS Head Executive Assistant Lucio B. Fernandez. Behind the renaming of Pozorrubio National High School to Benigno V. Aldana National Memorial High School were to two equally distinguished Pozorrubians, namely, Dr. Florencio M. Buen, Provincial Schools Superintendent of Pangasinan, and Dr. MInda Cascolan Sutaria, Assistant Director, Bureau of Elementary Education.

Not long after, the word “Memorial” was dropped from Benigno V. Aldana National Memorial High School on August 12, 1994 under Sangguniang Bayan of Pozorrubio Resolution No. 103, s. 1994. Hence, the school’s name, Benigno V. Aldana National High School, remains until to this day.

 

 

 

F. Sionil Jose, Dakilang Manunulat Mula Rosales, Pangasinan

Isinulat ni: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

 

            Kilala ba ninyo si F. Sionil Jose? Hindi lahat ng mga taga-Pangasinan ay kilala si Ginoong Jose. Gaya ng karamihan ay hindi ko rin kilala si Ginoong Jose sa umpisa pero salamat sa social media at nakilala ko siya. Nagkataon kasi na may nagbebenta sa kanyang aklat sa isang grupo ng mga naglalako ng mga segunda-manong libro sa Facebook at nakabili ako ng isa. Pagtanggap ko sa libro na sinulat ni F. Sionel Jose ay doon ako nabigla at nalaman na taga-Rosales, Pangasinan pala siya. Mula noon kapag may nagbebenta ng kanyang aklat sa social media ay agad kong binibili basta kaya ng badyet.

Para sa kaalaman ng lahat, narito ang mga iba pang impormasyon tungkol sa buhay ni F. Sionil Jose.

Isa siyang sikat na manunulat sa Wikang Ingles at isang National Artist of the Philippines for Literature na ipinagkaloob sa kanya noong 2001. Siya ay isinilang noong ika-3 ng Disyembre 1924 at namatay noong ika-6 ng Enero 2022 sa edad na 97. Bata pa lamang siya ay kinahihiligan na talaga niya ang magbasa at isa sa naging inspirasyon niya sa pagsusulat ay walang iba kundi si Jose Rizal. Kaya sa kanyang obra maestra na Rosales Saga na binubuo ng limang tomo ay mula sa tema at tauhan ni Jose Rizal ng : Po-on (Source) (1984); The Pretenders (1962); My Brother, My Executioner (1973); Mass (1974); at Tree (1978). Ang mga limang nobela na ito ay isinalin sa 22 na mga wika.

Narito pa ang iba pang mga kilalang nobela na kanyang isinulat: Sin (1973); Ermita (1988); Gagamba (The Spider Man) (1991); Viajero (1993); Ben Singkol (2001); Vibora! (2007); Sherds (2008); Muse and Balikbayan: Two Plays (2008); The Feet of Juan Bacnang (2011). Narito naman ang mga maikling kuwento na kanyang isinulat: Platinum: Waywaya: Eleven Filipino Short Stories (1980); Ten Filipino Stories (1983); Olvidon and Other Stories (1988); Puppy Love and Thirteen Short Stories (1998); at The God Stealer and other Stories (2001).

Tunay ipinagmamalaki natin si F. Sionil Jose bilang isang Pangasinense dahil sa mga karangalan na kanyang mga natanggap gaya ng: Carlos Palanca Memorial Award for Literature (1959, 1979, 1980, 1981); Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature and Creative Communication Arts (1980); Chevalier dan I’Ordre des Arts et Letters (2000) at Pablo Neruda Centennial Award (Chile) (2004).

Masasabi natin na siya ay isa sa mga Filipinong manunulat na naabot ang kanyang katanyagan hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi pati sa ibayong dagat.  Bilang pagkilala at pagtangkilik sa  kanyang mga isinulat ang kanyang mga panulat ay isinalin sa 28 na wika gaya ng Korean, Indonesian, Czech, Dutch, Latvian, Russian, at Ukranian.

Kaya nga isa siya sa mga natatanging Pangasinense na itinatampok sa Banaan Museum (Pangasinan Provincial Museum). Ngayon at kilala natin siya ay umpisahan na rin na bumili at magbasa ng kanyang mga isinulat. Malay natin baka kayo ay isa sa mga magmamana ng kanyang katalinuhan sa pagsusulat. Wala itong imposible basta may pananalig tayong makamit ang ating pangarap sa buhay.

 

Mga Libangan Bilang Pantanggal Stress

Isinulat ni: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

Sino ang hindi pa nakakaranas ng stress sa kanyang buhay? Bilang isang normal na tao, kakambal na natin  sa  ating buhay ang stress.  Ano nga ba ang stress? Ang stress ay mga bagay-bagay o sitwasyon na nagdudulot sa atin ng bagabag sa normal na daloy ng ating buhay. Maaaring ito ay pisikal, mental o emosyonal na stress. Ang pagkakasakit ay isang uri ng pisikal na stress. Ang kawalan ng pera ay isang  uri ng mental na stress. Ang pag-aaway o paghihiwalay ng mag-kasintahan o mag-asawa ay isang emosyonal na stress. Lahat tayo ay nakakaranas nito.

Paano natin malalabanan o mababawasan ang stress sa buhay natin? Bilang isang guro, normal na sa amin ang makaranas ng stress araw-araw. Sa bawat pagharap namin sa aming mga estudyante sa bawat klase ay hindi namin maiwasan ang magalit o mapagsabihan ang ating mga mag-aaral dahil hindi mo maiiwasan na sadyang may mga bata talaga na sadyang makukulit o matitigas ang ulo. Dahil may Child Protection Policy, dapat cool lang tayo na mga guro.

Ako bilang isang guro ang mabisang paraan para maibsan ang stress sa aking buhay ay ang pagkakaroon ko ng hobby o libangan. Ang libangan na ito ay nakakatulong  sa akin hindi lamang malabanan ang stress kung hindi nakakatulong din ito sa aking pagtuturo. Ito ang mga libangan na maaari ninyo gayahin:

Philately- ito ay pangongolekta ng selyo. Maliit man na papel ito na ginagamit natin sa paghuhulog ng sulat sa post office ay may mga kaalaman din tayong matutunan tungkol dito. Matutunan natin sa pamamagitan nito ang kasaysayan at kultura ng isang bansa. Makakakilala ka rin ng mga iba’t ibang uri tao gaya ng mga hari at reyna, mga presidents, mga siyentista, mga mang-aawit, mga dakilang kompositor, mga iba’t ibang hayop, mga naggagandahang pasyalan o tanawin. Halos lahat ay makikita mo na sa mga selyo.

Deltiology- ito naman ay pangongolekta ng postcards. Kakambal ng selyo ay ang postcard. Ito ay ginagamit sa mga maiikling mensahe lamang na pinapadala sa post office. Gaya ng selyo, halos kapareha nito ang mga inilalagay na tema sa harapan ng bawat postcard. Alam ba ninyo na si Dr. Jose Rizal ay gumagamit din ng postcard sa kanyang pakikpag-ugnayan sa kanyang kaibigan dito sa Pilipinas o sa ibayong dagat?

Numismatics- ito naman ay pangongolekta ng mga papel na pera o barya. Nagtataglay rin ito ng kaalaman tungkol sa kasaysayan o kultura ng isang bansa. Ang tema nito ay kagaya rin selyo o postcard pero limitado lamang ang mga bagay-bagay, tanawin, hayop o mga tao ang inilalagay sa mga pera at barya.

Ito ang mga ilang lamang sa mga sikat na libangan na kinokoleta ng mga kolektor sa iba’t ibang bansa. Kung ano ang iyong hilig sa buhay ay pwede mong gawin bilang libangan para maibsan o mabawasan ang stress na iyong nararamdam sa bawat araw. Ang mahalaga ay mapanatili natin ang masayang pamumuhay sa likod ng maraming stress na nakapaligid sa atin sa araw-araw.

Mayroon na ba kayong napili na mapaglilibangan sa buhay? Para humaba pa ang ating buhay mamili ka na ng hobby na pang habang-buhay ang taglay!

 

 

 

 

Postcard Bilang Kasangkapan sa Pagtuturo

Isinulat ni: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

 

Bilang guro naranasan mo na bang gumamit ng postcard sa iyong pagtuturo?

Ano ang postcard? Ang postcard ay isa sa mga pangunahing libangan ng mga tao sa buong mundo maliban sa philately at numismatics. Mga karaniwan na makikita na imahe sa harapan ng postcard ay mga larawan ng magagandang pasyalan, mga kilalang tao gaya ng mga hari at reyna, president, mga bayani, siyentista, kompositor, mga artista at iba pa. Makakakita ka rin ng mga iba’t ibang uri ng hayop, mga halaman at puno at marami pang iba. Sadyang nakakaaliw ang mangolekta nito lalo na kapag may mga kamag-anak kayo na nagtatrabaho sa abroad. Pwede kang humingi sa kanila nito at padalhan ka nila nito.

Bilang isang guro ay matagal na akong gumagamit ng postcard sa mga asignaturang aking tinuturuan. Masasabi ko na mabisa ang paggamit ng postcard sa pagtuturo. Mabisa itong gamit sa pagtuturo ng kasaysayan  dahil taglay ng postcard ang mga tema gaya ng mga makasaysayang lugar, magagandang tanawin, mga bayani, mga president, mga hari at reyna, at iba pang mga tema na may kaugnayan sa kasaysayan.

Sa pagtuturo ng asignaturang Science, pwede kang magpakita ng mga larawan ng mga siyentista, mga iba’t ibang uri ng hayop, tanim, at mga bagay-bagay na makikita natin sa ating paligid o sa dagat. Maging ang mga planeta at kalawakan ay makikita rin natin sa postcard.

Sa pagtuturo ng TLE, inilalarawan din sa postcard ang mga pagkain at recipe, iba’t ibang uri ng hanapbuhay, mga gamit sa kusina at iba pang may kaugnayan sa asignaturang ito.

Sa pagtutro naman ng MAPEH, makakakita ka din ng postcards na nagpapakita ng iba’t ibang laro, mga sikat na atleta, mga kagamitan sa paglalaro, mga iba’t ibang uri ng instrumenting pangmusika.

Sa pagtuturo naman ng mga asignaturang Filipino at Ingles, inilalarawan din sa postcard ang mga dakilang manunulat ng ating kasaysayan at makabagong henerasyon gaya ni Dr. Jose Rizal at ang kanyang mga obra maestra gaya ng Noli Me Tangere at  El Filibusterismo. Sa pagsusulat ng malikhaing gawa, pwedeng ipagamit ang likod ng postcard sa paglikha nila ng tula o written poetry. Pwede pa rin nating buhayin ang pagpapalitan ng sulat sa ating kapwa kahit na halos lahat ay gumagamit na ng messenger sa kanilang Facebook account. Mas matagal ang buhay ng postcard kaysa sa messenger dahil pwede mong itago ang postcard sa habang panahon pero ay messenger sa FB ay pwedeng mong mabura at matabunan ang mga mensahe na iyong sinulat.

Halina at gumamit uli tayo ng postcard sa pagtuturo!

 

 

 

Ang Paglalakbay Bilang Tulay sa Pagtuturo

Isinulat ni: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

 

Mahilig ba kayong maglakbay? Hanggang saan na ba ang narating ninyo sa Pilipinas?

Alam ba ninyo na ang pagiging manlalakbay natin at bilang isang guro ay napakalaking tulong nito sa ating pagtuturo?

Masaya ang maglakbay. Halos bahagi na ang buhay natin ang maglakbay. Araw-araw tayo ay sumasakay sa traysikel, dyip, at bus. Dito pa lamang ay marami ka nang mapapansin mula sa kalsada hanggang sa loob ng iyong sinasakyan. Maging mapagmatyag lamang sa iyong paligid at may matutunan ka sa iyong pagmamasid. Magagamit natin ang pagmamasid bilang kasangkapan sa pagsusulat gamit ang paglalarawan.

Ang paglalarawan ay isang estratehiya na ginangamit sa pagsusulat na ginagamitan natin ng ating mga pandama. Halimbawa bilang pagsasanay sa pagsusulat ng sanaysay ay pwede mong ipalarawan sa mga mag-aaral ang isang lugar na kanilang napuntahan na gaya ng Siyudad ng Baguio, Siyudad ng Vigan at iba pang mga lugar na kanilang napuntahan. Hindi na mahirapan pa sa pagsusulat ang mga mag-aaral dahil pwede na nilang ikuwento ang kanilang karanasan sa pamamasyal sa isang lugar.

Habang tayo ay naglalakbay ay makakasalamuha tayo ng iba’t ibang tao. Ang mga kapwa pasahero mo sa loob ng sasakyan ay pwede mong maging tauhan sa iyong maikling kuwento. Bawat pasahero ay may kuwento sa kanilang buhay. Ang kaunting pagpapakilala mo sa kanila at ang kaunting kaalaman tungkol sa kanilang buhay ay pwede mong magamit sa hinaharap. Kailangan mo lang ang pagpapakilala sa kanila.  Makipagkuwento ka sa kanila at mula dito ay dadaloy na ang mga impormasyon tungkol sa buhay at karanasan sa buhay. Maaari kang makasabay na pasahero na dayo pala sa inyong lugar. Maaaring ang bagong kakilala mo na ito ay  galing pa pala sa Mindanao at napadpad lang sa inyong lugar dahil sa hirap ng buhay sa lugar nila at kailangan niya na makipagsapalaran sa buhay o kaya ay nakapag-asawa siya ng iyong kababayan. Baka pwedeng maging materyales ito sa pagsusulat mo ng isang maikling kuwento.

Kapag kayo naman ay napasama sa isang field trip, huwag lang puro kasiyahan ang iyong inaatupag. Para maging kapakipakinabang ang iyong pagsali sa gawain na ito ay magdala ka ng kamera at idokumento ang iyong paglalakbay. Ang pagkuha ng larawan ng mga tao sa lugar o kaya mga tanawin ay sadyang napakagandang ebidensiya at patunay ito na hindi mo lamang gawa-gawa ang mga kuwento sa buhay mo. Di ba mas kapakapaniwala na mayroon kang larawan na ipapakita sa iyong klase at mas marami ka pang maibabahagi na hindi nakasulat sa kanilang libro. Gaya halimbawa ng Hanging Coffins ng Sagada akala ko sa bangin talaga nakasabit ang mga kabaong pero ang katotohanan ay nakasabit lang pala sila sa gilid ng bundok at pwede mo palang mahawakan ang ibang mga kabaong.

Kaya ano pa ang iyong hinihintay, tayo na at umpisahan na natin ang maglakbay!

 

 

Karanasan Bilang Tulay sa Pagsusulat

Isinulat ni: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

 

Mahilig ba kayong magsulat ng isang maikling kuwento o nobela?  Ang pagsusulat ay isang kasanayan na hindi ganoon kadaling angkinin nino man. Ito ay bunga ng mahabang proseso. Hindi ito kayang makamit sa isang upuan laman. Ito ay bunga ng mahabang panahon nang pagsasanay gamit ang utak, damdamin at determinasyon.

Ang pagiging isang magaling na manunulat ay bunga ng mahabang karanasan. Ang kanilang obra maestra na panulat ay bunga ito ng kanilang mahabang pagsasanay gamit ang buhay na alaala ng nakaraan. Humuhugot ang bawat manunulat sa kanilang karanasan sa nakaraan upang mabuo ang kuwento sa likod ng mga tauhan na likhang isip nila. Hindi man sila nauugnay sa mga totoong tao pero taglay ng bawat tauhan sa kuwento ang katauhan ng isang tunay na tao. Sila ay nabibigyan ng buhay ng bawat manunulat.

Hindi lamang sapat sa mga manunulat ang kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng kuwento. Bawat manunulat ay alam ang katangian at bahagi ng isang maikling kuwento o nobela pero hindi sila ganoon kadali na magsulat ng isang kuwento dahil hindi lahat ay biniyayaan ng kasanayan sa pagsusulat.

Alam ba ninyo na ang pangunahing sangkap sa pagsusulat ay dapat nagtataglay ka ng isang malawak na karanasan. Ang karanasan na ito ay maaaring karanasan mo mismo bilang isang tao at karanasan mismo ng inyong mga mahal sa buhay, kamag-anak, kapitbahay, mga kaklase o karanasan ng kahit sino. Kapag pinagtagpi-tagpi mo ang mga iba’t ibang karanasan ng mga taong iyong nakahalubilo ay makakabuo ka ng isang magandang kuwento ng buhay. Nagbibigay buhay sa mga tauhan sa iyong kuwento ay ang pagpapakita ng iba’t ibang emosyon ng bawat tauhan sa kuwento na sila rin ay marunong masaktan, tumawa, magalit, magpatawad at mangarap sa buhay.

Ang mga dakilang manunulat ay humuhugot sila sa kanilang karanasan mismo o sa kanilang pagmamasid sa kanilang kapaligiran. Ang mga karanasan natin sa buhay gaya ng kahirapan, salot, digmaan, at kalamidad ay maaaring tema sa iyong pagsusulat ng isang obra maestra. Dito humuhugot ng kanilang inspirasyon sa pagsusulat ng mga dakila nating mga manunulat.

Kaya kung nanaisin mo na maging isang mahusay na manunulat sa hinaharap kailangan mong mag-ipon ng sapat na karanasan sa buhay para makabuo ka rin ng mga kuwento na hango mismo sa iyong karanasan   o karanasan ng iba. Para mapaghusay mo pa ang pagsusulat kailangan mo rin ng mahabang pasensiya sa pagbabasa ng iba’t ibang kuwento ng mga  manunulat dahil makakapulot ka rin ng ideya kung paano bubuhayin ang bawat tauhan sa iyong kuwento na mag-iiwan ng tatak sa bawat magbabasa ng iyong kuwento. Kaya tatanggapin natin ang bawat karanasan natin sa buhay maganda man ito o isang bangungot ay magagamit at magagamit pa rin natin ito bilang dagdag sustansiya sa masalimuot na kuwento ng buhay manunulat.

 

 

Selyo  Bilang Gamit Sa Pagtuturo

Isinulat ni: Rodrigo P. de Vera, Jr., EdD

Master Teacher I, Benigno V. Aldana National High School

Pozorrubio, Pangasinan

 

Alam ba ninyo ang selyo? Ito ang katanungan ko minsan sa aking mga estudyante. Halos lahat sa kanila ay hindi alam kung ano ang selyo. Ito marahil ang epekto ng social media na hindi na halos pinapansin ang pagpapadala ng sulat sa post office para maghulog ng sulat at dinadaan na lang sa text messages o kaya sa FB messenger ang kanilang mga mensahe sa kanilang mga mahal sa buhay, mga kamag-anak o mga kaibigan na nasa malalayong lugar o ibayong dagat.

Para sa kaalaman ng lahat, ang selyo o stamp sa Ingles ay isang maliit na papel lamang pero taglay nito ang kasaysayan at kultura ng bawat bansa na gumagamit nito.

Tinatawag ang kauna-unahang selyo na Penny Black na inilabas sa publiko sa Bansang Inglatera noong ika-6 ng Mayo, 1840. Si Sir Rowland Hill, isang guro, ang nagdisensyo nito. Kaya tinatawag na  Penny Black dahil ang kulay nito ay itim. Ang disensyo nito ay inilalarawan  ang batang reyna na si Reyna Victoria. Dito na umusbong ang paggamit ng selyo mula sa bansang Inglatera hanggang ginamit na din ng lahat ng bansa sa buong mundo.

Alam ba ninyo na sa Asya, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa na gumamit ng selyo. Pagkatapos ng ika-labin-apat na taon mula sa unang paglabas ng selyo sa mundo, inilabas ang unang selyo ng Pilipinas sa Panahon ng mga Kastila noong ika-1 ng Pebrero, 1854. Taglay ng selyo na ito ang mukha ni Reyna Isabella II ng Espanya.

Kaya masasabi natin na sa selyo malalaman natin ang kasaysayan ng isang bansa pati na rin ang mayaman na kultura nito. Pinapakita sa selyo ang iba’t ibang larawan ng mga tao gaya ng mga president, mga bayani, mga imbentor, mga manlalaro, at iba pa. Pati mga iba’t ibang mga hayop gaya mga ibon, isda,  aso, pusa, insekto,  paru-paro, elepante, tigre, leon at halos lahat ng mga hayop sa mundo ay makikita natin sa maliit na selyo na ito. Ipinapakita rin nito ang mga gusali, hanap-buhay, mga uri ng sasakyan, mga bundok, mga anyong tubig, kalawakan, mga planeta, mga manlalakbay sa kalawakan, paglubog ng Titanic, pagsabog ng isang bulkan, pagbagsak ng isang sibilisasyon o nasyon, pagluluklok ng isang bagong halal na presidente ng isang bansa, mga iba’t ibang gusali, desyerto, at iba pa.

Maliban sa gamit nito para pang-hulog sa isang sulat, ang selyo ay isang mabisang gamit din sa pagtuturo. Kung ikaw ay guro ng kasaysayan, maaari mong gamitin sa pagtuturo ng heyograpiya, kasaysayan ng buong mundo, at mayamang kultura ng bawat bansa gaya ng kanilang mga piyesta, paniniwala, mga lider ng simbahan o lipunan.

Kung ikaw naman ay nagtuturo ng asignaturang Filipino at Ingles, maaari mong gamitin ito sa pagtuturo ng Panitikan dahil inilalarawan din nito ang mayamang panitikan ng isang bansa, mga dakilang manunulat nito, pati mitilohiya, at iba pang mga uri ng pamitikan ay ipinapakilala sa selyo.

Kaya ano pa ang inyong hinihintay, magsimula nang mangolekta ng selyo sa tulong ng inyong mga kamag-anak at kaibigay mula iba’t ibang bansa!